<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5941078?origin\x3dhttp://bananarit.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

vamos a comer

masarap kumain. masarap kumain sa labas. pero lalong mas masarap kumain sa labas kung libre yung kakainin mo.

dahil sa isang pustahang ako ang nanalo, nakakain ako ng libre nung isang araw. ang original naming usapan ni misty ay sa cafe bola pakakainin ng sinuman ang sinumang talo sa pustahan namin.

at ako nga ang nanalo...MWAHAHAHA!!!

pero dahil kakakain lang namin dun, sinuggest niyang dun na lang daw sa bagong japanese na kainan sa may farmers. teriyaki stix sa third floor ng farmers...chicken teriyaki ang inorder ko at kay misty ay...ano nga yun? basta may seafood sa title. tapos may asparagus wrapped in something pa. masarap ang kanin, masarap din ang iced tea, ganun din ang asparagus...pero yung main dish...nakupo! ang tamis! ginulat ata yung nagluluto habang nilalagyan niya ng asukal yun, kaya ganun katamis (twice siguro siya ginulat, kasi parehong matamis na matamis yung kinain namin).

wala naman akong mapipintas sa lugar kasi malinis naman. understandable namang walang CR kasi nga madalang lang naman ang kainang nasa loob ng mall na may CR.

pero dahil ang pinakaimportante naman sa kainan ay yung pagkain at hindi kung may CR ito o wala...para sa teriyaki stix...two spoons.

dahil sa pang-aasar ko kay misty na nakamura siya sa paglibre sa akin dahil di hamak na mas mahal sa cafe bola kesa kung san kami kumain, humirit ako kung pwede bang mag-dessert. e pumayag, MWAHAHAHA!!!

nakakain pa ako ng kiwi ice teaser sa ice monster. tsalap! tsalap! (ano nga yung inorder mo, misty? a, corn ice teaser..yun!) nakakalungkot lang, kasi nag-iba ang ice monster ng lalagyan. imbes na yung environment-friendly na parang paper bowl (o cup, o ano bang tawag dun), ginawa nilang styro bowl (o cup, o ano bang tawag dun) yung lalagyan nila. tsk..tsk..kaya sa ice monster, three and a half spoons lang kayo jan.

hindi ako nalibre nung kumain kami ni i sa teriyaki boy sa tomas morato...pero masarap pa din. mali pala, hindi masarap...kundi masarap na masarap. di ko na nga maalala mga pangalan nung kinain namin...basta nabundat ako. super yummy ang crabstick salad, something salmon, chicken something, kanin, iced tea, at california maki (na dahil sa sobrang kabusugan ay tinake-out na lang namin at binaon sa megamall sa pagnood ng european films). wala na akong masabi kundi delicioso talaga. malinis din yung lugar, magandang puntahan ng family, friends, special friends, soon to be friends, etc. teriyaki boy...four and a half spoons (bawas ng half kasi medyo nakakairita yung mga waiter at waitress na lapit ng lapit para magtanong kung may order pa...pwede naman silang kawayan at tawagin kung meron man e).

pero sa lahat ng nasabi ko sa taas, wala namang maitutulak kabigin sa home-cooked pasta ni i. angelhair pasta na may basil, tomatoes, onions at tuyo...with matching presentation pa to nung sinerve. propeysyonal ang dating! nung isang araw naman, pesto. (kelan ka nga ulit magluluto ng pasta, i?) siyempre, five spoons 'to. libre lang tapos nasa bahay pa.

bigla na tuloy akong nagutom...

salamat nga pala, sir ikabod pogi, para sa suggestion mo sa kung anong isusulat. kain tayo pagdating mo maynila.

yumyumyum...

« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »

5:48 PM

ano nga pala ang pinagpustahan nyo na ikaw ang nanalo?    



6:38 PM

wow! kahit alam kong biased yung opinion mo sa pasta ko, natutuwa pa rin ako :)sabagay, nakulangan pa nga ako sa cnabi mo kasi di mo pa nga na-mention ung roasted garlic e, hehe. c gudang din ata lab ung pasta ko kasi sya ung taga-ubos hanggang sa mabondat ung myoma nya :)yaan mo, lulutuin ko lahat ung nakalagay dun sa pasta magazine.

may suspetsa ako bat lapit nang lapit d teriyaki boy waitress sa atin... like nya ako. nahalata mo? ok lang, cute naman sya e saka masarap ung mga hinahain nila. un nga lang, pandalawang tao naman pala ung nga servings nila. at dahil hindi nila tayo winarn, i give them 4.75 chopsticks.    



» Post a Comment