<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5941078\x26blogName\x3dbananarit\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananarit.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananarit.blogspot.com/\x26vt\x3d2646188132105784856', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

my antedated thailand travel log

...yan ang title ng ginawa kong pang-post sa blog ko. ang haba ng laman niyan, as in per day. january 30 kasi ako dumating ng bangkok, pero dahil february 5 ako nakahiram ng laptop sa interpreter, nun lang ako nakapagsimulang magsulat. kaya ang laman ng travel log na yun ay mula january 30, mula pagpunta ko sa centennial airport terminal 2, hanggang february 5, ang araw bago ng eleksyon sa thailand.

ano nangyari sa ginawa kong yun?

hindi ko alam.

naiwan ko kasi yung diskette na pinag-save-an ko ng file na yun sa CPU ng computer ng C.S. Pattani Hotel, kung saan ako nag-stay para sa election observation. may ilang files ding andun sa diskette na yun, pero buti yun, may kopya ako kasi na-send ko sa email ko.

ngayon, kung sinumang nakakuha ng diskette na yun, may observation report na siya ng election sa yala at pattani provinces ng southern thailand, may travel log pa siyang extra. bahala na siyang intindihin yun kung di man siya marunong mag-tagalog.

para dun sa nasulat ko kung kailan ko mapo-post yun? ang tanong e kung kelan ko mahahanapan ng panahon para maulit yun.

ito lang muna ang kaya ng powers ko sa ngayon. tutulog na muna ako...zzz...
« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »

» Post a Comment