happy birthday, romel!
Saturday, January 15, 2005
kaarawan ni romel noong january 12, miyerkules yun. at ang muli kong pagsusulat sa aking blog makalipas ng tatlong buwan ng pamamahinga ay inaalay ko sa kanya.
august 2003 noong una kong nakilala si romel. bago ako sa tfd nun, di pa bilang staff na mayroong plantilla position kundi contractual para maging documentor ng gagawing convention. isa sa mga tungkulin ko ay ang tawagan ang mga nominado para sa gagawing eleksyon ng board of trustees para tanungin kung tinatanggap ba nila ang pagka-nomina sa kanila o hindi.
dahil isa si romel sa mga nominado, kailangan ko siyang makausap. naalala ko nun, tinext ko pa siya at sinabihang pwede bang tawagan niya ako dahil may itatanong ako sa kanya. sinagot ako ng, di ko na maalala eksaktong mga salita, pero parang, "ikaw yung may telepono diyan sa opisina na pag tumawag ka sa cellphone e hindi naman ikaw ang magbabayad ng bill, bakit hindi ikaw ang tumawag sa akin?" STRIKE 1! oo nga naman, may punto siya dun. nagkausap na nga kami (tinawagan ko siya) at tinanong ko siya kung tinatanggap ba niya ang pagka-nomina sa kanya bilang non-staff member representative. e...wala palang ganong posisyon. STRIKE 2! di ko na matandaan kung anong naging katapusan ng usapang yun, basta alam ko hanggang ngayon e nakatatak pa rin sa isip niya yung pagtatanong ko sa kanya na yun. kung di ako nagkakamali, nasa ijot pa nga yun e.
mayroon pa malamang na STRIKE 3, di ko na lang maalala kung ano eksakto yun.
medyo madami-dami na rin ang dumaang mga pangyayari mula nung nagkakilala kami ni romel. nagkaroon na din ng bagong BOT ang TFD. naging DEDO na din siya ng mindanao. at madami pa...
basta ngayon, natutuwa ako't lilipat na siya dito sa NC. at naiintindihan ko ang lungkot at pighating nararamdaman ng mga maiiwan niya sa mindanao. dahil kahit maangas, masungit, at asshole siya minsan, si romel na ata ang isa sa pinakamabuting (mabuti ha, di lang mabait...mabuti!) taong nakilala ko. value added pa na bastos siya! mwahaha...
masuwerte talaga ang mga nakakadaupang palad niya, lalo na ang mga palagi niyang nakakasama. sayang nga lang at mayroong mga di nakakaintindi sa takbo ng utak niya...pero di na siya si romel kung hindi ganun.
maligayang kaarawan, mapren ikabod!!!