<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5941078\x26blogName\x3dbananarit\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananarit.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananarit.blogspot.com/\x26vt\x3d2646188132105784856', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

the opposite of love

Friday, February 25, 2005
it was about two weeks ago when i. told me that an officemate of hers got held-up in quiapo. that was the second time that happened to her. the first time, also in quiapo, only her cellphone was taken from her. this time, however, it was her whole bag, which contained her wallet, cellphone, passport, and i don't know what else.

this person - the one who was held-up twice - used to be a friend of mine. we were actually very close, almost like sisters. she even said that she considered me her best friend. we met in that office where she is still working now. i used to work there too. and because we were so close and we worked on the same things, the people from the other departments in the office found it difficult to distinguish us from each other. they just referred to us as "B1 and B2". whoever was B1 or B2, i can't remember anymore.

we had a good friendship. but a lot of things happened between then and now.

now...there is no friendship to speak of. but the feeling of loss is gone. the hurt is gone. the anger is gone.

and what did i feel after i. told me that this person lost her whole bag in quiapo? nothing.

so, now i know that it's true -- that the opposite of love is not hate.

it's indifference.

tomorrow never dies

Thursday, February 17, 2005
bakit ba pinagpapabukas pa ang mga bagay na pwede namang gawin ngayon?

di ko alam kung bakit para sa ibang tao, pero para sa akin, simple lang...tinatamad ako. o kaya naman, kahit gusto kong gawin ang dapat kong gawin, pag iniisip ko ng gagawin ko, parang napapagod na ako at iniisip kong mahabang panahon ang kakailanganin para gawin ang bagay na yun kaya ipagpapabukas ko na lang, para mas mahabang oras ang meron ako para gawin yun.

pero...ngunit, datapwat, subalit...di rin naman nangyayaring nagagawa ko kinabukasan ang pinagpabukas ko nung isang araw. maaring dahil meron na kong ibang kailangan talagang gawin o kaya dahil iniisip ko na namang bukas ko na lang ulit gagawin.

nitong linggong ito lang, anu-ano ba ang mga bagay na pinagpabukas ko?

1. ang mag-email sa mga kaibigan para malaman nilang nakauwi na ako ng pilipinas
2. ang magsulat sa blog ko tungkol sa nangyari sa akin sa pagiging election observer sa thailand
3. ang pagliligpit ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko

yung number 3...yun ang pinakamalinaw na halimbawa ng magiging resulta kapag paulit-ulit pinagpapabukas ang mga bagay na dapat ng ginagawa agad.

basta ang alam ko lang, ang paggawa ko lang sa number 3 ang susi para malaman ko kung anong itsura ng table ko. hanggang di ko pa nagagawa yun, patuloy ko pa ring iisipin kung may table nga ba sa ilalim ng santambak na mga papeles dun sa sulok ng kwarto ng RDIP/HREP/campaign/info-advocacy.

(hmm...pag kaya inayos ko ang table ko, aalis pa din sila rommel at carlo sa kwarto? alamin ko muna kaya ang sagot sa tanong na 'yan bago ko ligpitin ang mga gamit sa mesa ko...)

my antedated thailand travel log

Tuesday, February 08, 2005
...yan ang title ng ginawa kong pang-post sa blog ko. ang haba ng laman niyan, as in per day. january 30 kasi ako dumating ng bangkok, pero dahil february 5 ako nakahiram ng laptop sa interpreter, nun lang ako nakapagsimulang magsulat. kaya ang laman ng travel log na yun ay mula january 30, mula pagpunta ko sa centennial airport terminal 2, hanggang february 5, ang araw bago ng eleksyon sa thailand.

ano nangyari sa ginawa kong yun?

hindi ko alam.

naiwan ko kasi yung diskette na pinag-save-an ko ng file na yun sa CPU ng computer ng C.S. Pattani Hotel, kung saan ako nag-stay para sa election observation. may ilang files ding andun sa diskette na yun, pero buti yun, may kopya ako kasi na-send ko sa email ko.

ngayon, kung sinumang nakakuha ng diskette na yun, may observation report na siya ng election sa yala at pattani provinces ng southern thailand, may travel log pa siyang extra. bahala na siyang intindihin yun kung di man siya marunong mag-tagalog.

para dun sa nasulat ko kung kailan ko mapo-post yun? ang tanong e kung kelan ko mahahanapan ng panahon para maulit yun.

ito lang muna ang kaya ng powers ko sa ngayon. tutulog na muna ako...zzz...