<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5941078?origin\x3dhttp://bananarit.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

tomorrow never dies

bakit ba pinagpapabukas pa ang mga bagay na pwede namang gawin ngayon?

di ko alam kung bakit para sa ibang tao, pero para sa akin, simple lang...tinatamad ako. o kaya naman, kahit gusto kong gawin ang dapat kong gawin, pag iniisip ko ng gagawin ko, parang napapagod na ako at iniisip kong mahabang panahon ang kakailanganin para gawin ang bagay na yun kaya ipagpapabukas ko na lang, para mas mahabang oras ang meron ako para gawin yun.

pero...ngunit, datapwat, subalit...di rin naman nangyayaring nagagawa ko kinabukasan ang pinagpabukas ko nung isang araw. maaring dahil meron na kong ibang kailangan talagang gawin o kaya dahil iniisip ko na namang bukas ko na lang ulit gagawin.

nitong linggong ito lang, anu-ano ba ang mga bagay na pinagpabukas ko?

1. ang mag-email sa mga kaibigan para malaman nilang nakauwi na ako ng pilipinas
2. ang magsulat sa blog ko tungkol sa nangyari sa akin sa pagiging election observer sa thailand
3. ang pagliligpit ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko

yung number 3...yun ang pinakamalinaw na halimbawa ng magiging resulta kapag paulit-ulit pinagpapabukas ang mga bagay na dapat ng ginagawa agad.

basta ang alam ko lang, ang paggawa ko lang sa number 3 ang susi para malaman ko kung anong itsura ng table ko. hanggang di ko pa nagagawa yun, patuloy ko pa ring iisipin kung may table nga ba sa ilalim ng santambak na mga papeles dun sa sulok ng kwarto ng RDIP/HREP/campaign/info-advocacy.

(hmm...pag kaya inayos ko ang table ko, aalis pa din sila rommel at carlo sa kwarto? alamin ko muna kaya ang sagot sa tanong na 'yan bago ko ligpitin ang mga gamit sa mesa ko...)
« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »

9:57 AM

richie, maraming salamat sa pagbati mo sa aking kaarawan. ;)
suyin    



» Post a Comment