<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5941078\x26blogName\x3dbananarit\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananarit.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananarit.blogspot.com/\x26vt\x3d2646188132105784856', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

sa mga ijotters (na pupuntang dumaguete)

Monday, May 23, 2005
para kina rit, dak, dan, det, che, at mel...

... good luck sa three-year assessment nyo, sana di kayo mahirapang mahanap ang "impact"

... mag-enjoy kayo ng husto, na lagi namang nangyayari pag magkakasama kayo

... hangad ko na lagi kayong maging ligtas at masaya

(pero hangad ko din na sana kasama ako sa dumaguete escapade...haay)

... kaya sana, kahit paano, maalala nyo ako (lalo pag namimimili na kayo ng mga pasalubong)

... haaay...

weekend sa pampanga

Monday, May 02, 2005
imbes na sumama sa rally dahil labor day at magpunta sa dinner party ng kaibigan kong kaka-graduate lang sa AIM, mas minabuti kong pumunta sa pampanga para makipag-reunion sa mga kamag-anak ko sa side ng tatay ko.

"...sana mabigyan mo din naman ng panahon ang mga tao dito..."

yan ang senting text ng kuya ko kasunod ng tanong kung makakauwi ba akong pampanga o hindi. medyo umepekto naman ang pagdadrama nya dahil nga nung linggo ng umaga e sumakay ako ng bus para makarating doon.

sa KFC sa san fernando intersection. doon daw ako bumaba at doon ako susunduin.

ang bilis ng byahe. wala atang isang oras mula cubao hanggang san fernando intersection. dahil nga ang bilis kong nakarating doon, mas nauna ako sa susundo sa 'kin. pero maya-maya rin ay dumating na ang kuya ko, ang asawa nya, at ang nanay ko.

hihintayin daw namin ang mga pinsan ko, pagkatapos magko-convoy kami papuntang sacrifice valley sa bataan. gusto daw makarating ng pinsan kong balikbayan doon.

pagkatapos ng mahigit isang oras na paglalakbay, nakarating nga kami sa sacrifice valley. nasa dulo na pala ng bataan yun. may matandang mama na sumalubong sa amin at nagsabing ang tinutuntungan daw namin ay banal na lupa. kailangan magpalda ng mga babae at maglagay ng panyo sa ulo, parang belo. maya-maya pa, merong babaeng lumapit na may dala-dala na ngang mga palda. sampu kaming babae, at isa lang ang nakapalda noon.

para matapos na, sinuot na namin ang mga palda sa ibabaw ng pantalon namin (may slit pa yung napunta sa 'kin) at naglibot na kami sa sacrifice valley. isa syang malaking lupain na maraming mga imahe ng inang birhen at ng mga anghel dela guwardya.

malapit ng mag-ala una ng matapos naming ikutin ang lugar. gutom na kami kaya pumunta na daw sa SM para mananghalian. papunta na nga kami ng biglang tumigil ang sinusundan naming sasakyan ng pinsan ko. bumalik daw kami dahil naisipan ng mga nasa kabilang sasakyan na pumuntang white rock sa olongapo.

"for members only ata dun," sabi ng kuya ko. ok lang daw sabi ng mga pinsan ko, sisilipin lang daw namin.

huh? o di sige, ibigay ang hilig.

matapos ang parang napakahabang paglalakbay papuntang white rock, tumigil ang sinusundan naming sasakyan. bumaba ang kuya ko para tanungin kung ano na naman ang problema. aba! e hindi pala alam ang direksyon papuntang white rock. umikot lang kami ng umikot. joyride pala ang hanap nila, di naman sinabi agad. e sana di na kami sumunod, mahal kaya ang gasolina, 'no?!

narating namin ang white rock at nalaman ngang "for members only". ni makasilip, di namin nagawa. nag-joyride na naman para makahanap ng makakainan. alas dos na ata yun.

matapos naming makakain, byahe na naman pabalik sa bahay ng mga pinsan ko. konting chika-chika, hapunan, tapos tulugan na.

di ko naman pinagsisisihan ang ginawa kong pagpunta sa pampanga. masaya naman akong nakita ko ulit ang kuya ko pagkatapos ng ilang buwang di pagkikita. ok din naman na nakakwentuhan ko ang pinsan kong balikbayan na kasundo ko din naman kahit pano. naaliw din naman ako sa pakikipaglaro sa mga asong nagkalat sa paligid ng bahay ng mga pinsan ko.

pero sa susunod, pag may rally at party ng kaibigan ko na natapat sa pag-uwi sa mga pinsan ko sa pampanga, alam ko na kung anong pipiliin ko. kahit pa may matanggap akong senting text galing sa kuya ko.