<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5941078?origin\x3dhttp://bananarit.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

isn't it ironic?

may pahra-tfdp-mag-sponsored activity kanina sa kowloon restaurant, yung forum on the protection and non-discrimination of minorities.

nag-share ang isang IP na taga-kasibu, nueva vizcaya tungkol sa mining sa lugar nila at kung pano yun nakakasira, di lang sa kalikasan, kundi sa mismong kabuhayan at buhay nila. matapos ang madamdaming pagbabahagi, merong response dapat ang taga-NCIP. kaso lang, binasa nya ata ang pagkahaba-habang tungkol sa NCIP na pwedeng ilagay sa "about us" sa website nila. o baka yun nga yung nakalagay, di ko pa nasisilip. tapos, merong isa o dalawang paragraph siguro na sagot tungkol sa problema ng nag-share. buti na lang may open forum, kaya napalawig ng kaunti ang talakayan. at nakita ko ring pagkatapos ng forum e nag-stay pa ang taga-NCIP at kinausap ang mga IPs. siguro ayaw na nilang pahabain ang talakayan kanina kaya minabuti nilang mag-usap na lang ng sarilinan.

second part ng forum, tungkol naman sa mga PPs/PDs na moro. nag-share ang asawa ng isang Muslim na PP kung pano ang nararanasang discrimination ng kanyang asawa at ang iba pang mga Muslim na nakapiit sa Bicutan. mas mahaba ang talakayan dito, dahil na rin sa pinag-usapan ang Bicutan siege.

gaya ng iba pang mga forum na ginawa na, kulang na kulang ang oras. madami-dami na rin ang nagsipag-alisan pagkatapos ng lunch. at gaya ng usual script pag matatapos na ang forum, sinasabing "di sa forum na ito natatapos ang lahat, magiging venue ito para magtulungan ang dalawa o higit pang mga ahensya para mas maayos ang mga gagawin para...(kung anumang objective ng ginawang forum)."

ayos naman ang forum on non-discrimination and protection of minorities. nakakakamot nga lang ng ulo na nung ise-serve na ang lunch saka lang na-realize na sa mga apat o limang ulam, isa lang ang pwede para sa Muslim. kaya kinailangan pang mag-order ng hiwalay para masagutan ng sapat ang kanyang right to food.
« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »

3:16 PM

speechless..    



3:54 PM

aba, nakikinig ka pala kanina sa forum. hehe. sorry we had to leave early, gusto ko sana pakinggan yung bicutan siege kaso opening remarks pa lang ni boyet di ko namaintindihan sa sobrang antok.

at vegan nga pala ang kasama ko kanina, kung nagkataon eh 2 taong may muntik ma-violate ang right to food.    



1:47 AM

irony - The use of words to express something different from and often opposite to their literal meaning;Incongruity between what might be expected and what actually occurs.

sa madaling salita we made a boo-boo.:-)    



11:14 PM

it's like rain on your wedding day...don't you think?    



» Post a Comment