sa pagdating ng baby
Friday, December 02, 2005
congratulations to my brother and sister-in-law! in seven months, they will be proud parents of a (hopefully) bouncing baby boy/girl. i know that they're both very excited since this would be their first child after almost a year of marriage.
pero ngayon pa lang, iniisip ko na...kailangan mas doblehin ko ang pag-iimpok. bilang magiging future tita, nakikini-kinita ko na ang papel na gagampanan ko dyan. madaming gastos - mahal ang manganak, at syempre, bago yun, may regular check-up pa. at pag andyan na si baby, mahal ang gatas. mahal ang diapers. mahal ang kung anik-anik na gamit pang-baby.
gastos pa lang yan. e kung idagdag ko pa ang pagka-overpopulated ng pilipinas, e di madami pang kakabit na mga isyu dun.
sige, seven months to go pa naman. 'congratulations' na nga lang muna ngayon, sa susunod na ang 'good luck'.