<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5941078?origin\x3dhttp://bananarit.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

Thursday, March 16, 2006
aalis ka na pala bukas. parang kahapon lang nung tinatapos mo ang pagsagot sa application form mo. ang bilis ng panahon. sana ganun din kabilis habang nandun ka para makabalik ka agad.

sabi mo, kinakabahan ka. kinakabahan din ako para sa ‘yo. bagong bansa, bagong kultura, mga bagong mukha. pero alam ko kaya mo. ikaw pa, e astig ka.

magkikita na kayo. excited ka? hanep! unang pagkakataong walang malamig at matigas na monitor sa pagitan nyo. sana magkasundo kayo. sa totoo lang, di ako boto sa kanya. sa tantya ko, hindi bagay ang ugali nyo. hindi compatible, kumbaga. pero tantya ko lang naman yun. malay ko pag nagkaharapan na talaga kayo. sana naman mali ako. kung sakali namang tama, e marami namang iba dyan. pag inaway ka, awayin mo rin. baka makatikim sya ng pagiging amazona mo.

mami-miss kita.

sa bagay, may e-mail naman. pwede ring text, medyo mahal nga lang. basta, wag mong kaligtaang magparamdam.

madami ka na namang napagdaanan. isa lang ito sa mga yun. gaya ng iba, makakatulong din ito sa pag-unlad mo.

magpakasaya ka, sulitin mo ang experience na yan. ipakita mo tibay mo sa kanila.

papadalhan na lang kita ng mga kwento at litrato – lalo na yung pag-alis ni arroyo sa malacañang.

pagbalik mo, mag-uukay ulit tayo.