<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5941078?origin\x3dhttp://bananarit.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

nung bata pa ako

nagkukwentuhan kami ni i. nung isang araw, tapos napadpad ang usapan sa kung ano yung mga akala namin nung bata pa kami. bata pa naman ako ngayon (ahem), pero ito yung ilan lang sa mga akala ko nung mas bata ako:

akala ko noong bata pa ko (mga gradeschool ata), lahat ng tao pag tumanda, nagiging kuba. iniisip ko nga noon kung bakit wala pang signs nang pagka-kuba ang nanay at tatay ko, pati mga tiyuhi’t tiyahin ko. akala ko natural sa taong tumatanda ang maging kuba. malay ko ba nun kung ano yung osteoporosis.

akala ko din noon, ang babae nabubuntis pag nakipaghalikan (sa lalake). alam ko na naman nun yung tungkol sa egg cells at sperm cells, pero inisip ko ata noon, sa bibig dumadaan yung mga yun. di ko na maalala kung pano yung eksaktong prosesong akala kong nangyayari, basta inisip ko noon, pag nakanood ako ng sine na may halikan ng babae’t lalake, di ba natatakot yung babae na pagkatapos nila gawin ang sine e buntis na sya. hehe…di lang mali yung akala ko noon…so het din. hehe.

akala ko din nung bata ako, lahat ng kalabaw ay lalake. ang lahat naman ng baka ay babae. at ang kalabaw at baka ang mag-partner. sooo het talaga.

di ko na maalala sa ngayon yung mga inakala ko nung mas bata pa ako. di ko na rin matandaan kung ano yung inakala ko noon na tama naman talaga. teka…iisipin ko pa…
« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »

3:38 PM

pusa ang akala kong puro babae at ang mga aso naman ay lalaki, na akala ko din may kinalaman sa katagang "away aso't pusa"    



3:41 PM

Bananaririt, ako rin akala ko noon sa pwet lumalabas ang bata. Pero mas mabuti ka pa nga kasi bata ka noon, ako hanggang ngayon, maraming inakala na mali pa rin.    



9:43 PM

nung bata ako akala ko ang laman ng siopao ay karne ng pusa, ang hopia munggo naman eh kulangot ng intsik, si santa claus ang nag-iiwanng isang supot na me lamang kendi at isang apple at isa akong ampon kasi ako lang ang pinanganak sa ospital.    



11:15 AM

di ko pa ata na-mention sa yo na besides dun sa paniniwalang ang pilipinas ay ang earth, ang US ay jupiter, japan mars, etc., nag-akala rin ako na pag pinagsama ang katas ng dahon ng malunggay (na nilalagay sa sugat) at sabon (na pinanghuhugas ng sugat), mas madaling gumaling ang mga sugat-sugat ko...at saka akala ko rin nag-eenjoy yung bata sa loob ng buwan.    



10:36 AM

nung bata ako akala ko ang akala ko exclomotion ang tawag sa mabagal na kilos, lalo na sa mga palabas sa tv, slow motion pala, hehe.

nung bata din ako kamuka ko daw si vilma santos, nung high school na kamuka ko daw si flordeluna, kaya akala ko tatanda akong kasing-gaganda nila. at akala ko din eh dahil kamuka ko daw si janice de belen kaya nagpa-siete ako ng buhok tulad nya (siete pa ang tawag noon). eh ang naging ending nakamuka ko yung pumalit sa kanya na aida ang pangalan, at immortalized yung lintik na buhok na yon dahil yun ang nasa highschool yearbook.    



» Post a Comment