<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5941078\x26blogName\x3dbananarit\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananarit.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananarit.blogspot.com/\x26vt\x3d2646188132105784856', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

bananarit

whateverwhateverwhateverwhatever

nung bata pa ako

Wednesday, August 24, 2005
nagkukwentuhan kami ni i. nung isang araw, tapos napadpad ang usapan sa kung ano yung mga akala namin nung bata pa kami. bata pa naman ako ngayon (ahem), pero ito yung ilan lang sa mga akala ko nung mas bata ako:

akala ko noong bata pa ko (mga gradeschool ata), lahat ng tao pag tumanda, nagiging kuba. iniisip ko nga noon kung bakit wala pang signs nang pagka-kuba ang nanay at tatay ko, pati mga tiyuhi’t tiyahin ko. akala ko natural sa taong tumatanda ang maging kuba. malay ko ba nun kung ano yung osteoporosis.

akala ko din noon, ang babae nabubuntis pag nakipaghalikan (sa lalake). alam ko na naman nun yung tungkol sa egg cells at sperm cells, pero inisip ko ata noon, sa bibig dumadaan yung mga yun. di ko na maalala kung pano yung eksaktong prosesong akala kong nangyayari, basta inisip ko noon, pag nakanood ako ng sine na may halikan ng babae’t lalake, di ba natatakot yung babae na pagkatapos nila gawin ang sine e buntis na sya. hehe…di lang mali yung akala ko noon…so het din. hehe.

akala ko din nung bata ako, lahat ng kalabaw ay lalake. ang lahat naman ng baka ay babae. at ang kalabaw at baka ang mag-partner. sooo het talaga.

di ko na maalala sa ngayon yung mga inakala ko nung mas bata pa ako. di ko na rin matandaan kung ano yung inakala ko noon na tama naman talaga. teka…iisipin ko pa…

isn't it ironic?

Wednesday, August 17, 2005
may pahra-tfdp-mag-sponsored activity kanina sa kowloon restaurant, yung forum on the protection and non-discrimination of minorities.

nag-share ang isang IP na taga-kasibu, nueva vizcaya tungkol sa mining sa lugar nila at kung pano yun nakakasira, di lang sa kalikasan, kundi sa mismong kabuhayan at buhay nila. matapos ang madamdaming pagbabahagi, merong response dapat ang taga-NCIP. kaso lang, binasa nya ata ang pagkahaba-habang tungkol sa NCIP na pwedeng ilagay sa "about us" sa website nila. o baka yun nga yung nakalagay, di ko pa nasisilip. tapos, merong isa o dalawang paragraph siguro na sagot tungkol sa problema ng nag-share. buti na lang may open forum, kaya napalawig ng kaunti ang talakayan. at nakita ko ring pagkatapos ng forum e nag-stay pa ang taga-NCIP at kinausap ang mga IPs. siguro ayaw na nilang pahabain ang talakayan kanina kaya minabuti nilang mag-usap na lang ng sarilinan.

second part ng forum, tungkol naman sa mga PPs/PDs na moro. nag-share ang asawa ng isang Muslim na PP kung pano ang nararanasang discrimination ng kanyang asawa at ang iba pang mga Muslim na nakapiit sa Bicutan. mas mahaba ang talakayan dito, dahil na rin sa pinag-usapan ang Bicutan siege.

gaya ng iba pang mga forum na ginawa na, kulang na kulang ang oras. madami-dami na rin ang nagsipag-alisan pagkatapos ng lunch. at gaya ng usual script pag matatapos na ang forum, sinasabing "di sa forum na ito natatapos ang lahat, magiging venue ito para magtulungan ang dalawa o higit pang mga ahensya para mas maayos ang mga gagawin para...(kung anumang objective ng ginawang forum)."

ayos naman ang forum on non-discrimination and protection of minorities. nakakakamot nga lang ng ulo na nung ise-serve na ang lunch saka lang na-realize na sa mga apat o limang ulam, isa lang ang pwede para sa Muslim. kaya kinailangan pang mag-order ng hiwalay para masagutan ng sapat ang kanyang right to food.

...we are bound to collide with each other

Saturday, August 13, 2005

HAYUP!!!

CRASH also has its share of glitches, but still, this ain't like any other movie I have seen. Panoorin nyo!

maraming salamat...

Tuesday, August 09, 2005
...sa lahat ng mga nakaalala sa akin nung birthday ko at nagparating ng pagbati sa iba't ibang paraan, gaya ng pagtawag, pag-text, pag-email, pagbati ng personal, at iba pa.

...sa mga nag-post sa blog nila tungkol sa akin at sa birthday ko, tats talaga ko.

...sa mga naki-join sa kainan at inuman sa office nung isang araw.

...sa mga hindi nakapagparating ng pagbati dahil sa kung anumang dahilan, alam ko naalala nyo din ako.

...sa mga di nakaalala. ayos lang, alam ko namang labs nyo ako, makakalimutin lang talaga kayo. hehehe...